Pinag-iingat ni Defense Sec. Delfin Lorenzana si SOLCOM chief Lt/Gen. Antonio Parlade Jr. sa ginagawang red-tagging sa kahit sinong indibidwal.
Ayon kay Lorenzana nakapag-usap na sila ni Parlade nang magpatawag ito ng virtual meeting.
Naging kontrobersyal si Parlade nang bigyang babala nito ang aktres na si Liza Soberano at Ms. Universe 2018 na si Catriona Gray dahil sa tila pagkiling ng mga ito sa grupong Gabriela na kilalang front umano ng CPP-NPA-NDF.
Ayon sa kalihim, bagama’t wala naman siyang nakikitang masama sa ginawa ni Parlade, pinagsabihan pa rin niya ito na manahimik na muna sa usapin at gawin lamang ang kaniyang tungkulin bilang opisyal ng militar.
Inihayag ni Lorenzana sa akusasyong red tagging umano ng militar at pulisya dahil mismong si CPP founder Jose Ma. Sison ang umaming bahagi ng kanilang kilusan ang Gabriela.
Sinabi ng kalihim ang red tagging sa mga legal fronts ay may sapat na ebidensiya.
Pero sa mga indibiwal na walang sapat na patunay, pinaghinay hinay ito ng kalihim.
Mariin namang itinanggi ng kalihim ang akusasyon sa militar na kanilang sinakop ang mga lugar ng mga lumad.