Kumbinsido si Defense Sec. Delfin Lorenzana na kaso ng suicide bombing ang kambal na pagpapasabog sa Sulu.
Ayon kay Lorenzana, ito ay dahil may dala-dalang bomba ang suspek at idinetonate nya ito sa area.
“That is evident from the report of the soldiers because this guy knocked on the gate so the guard went near to ask what the person need, when the guard was at the gate the person explodef so this it is obiviously a suicide bombing,” paliwanag ni Lorenzana.
Ang pagsabog sa kampo ng militar sa Sulu ang ikatlong insidente simula noong 2017.
Ang unang pagpapasabog ay sa Lamitan, Basilan; ikalawa sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo; at ang pinakahuli ay ang pag-atake sa Kampo ng militar sa Indanan.
Nilinaw din ng kalihim na hindi garantiya na wala ng mga atrocities na mangyayari kahit nasa ilalim ng batas militar ang buong Mindanao.
Sa ngayon hinihintay na lamang ng kagawaran at AFP ang resulta ng DNA test sa mga suspek.