ILOILO – Inutusan ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenza ang Philippine Coast Guard na mahigpit na bantayan ang Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea kung may kaduda-dugang ginagawa ang China sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lorenzana, sinabi nito na kinumpirma mismo ng Philippine Coast Guard na hindi pa rin umaalis sa Julian Felipe Reef ang higit sa 180 mga militia boats matapos itong nanawagan na lisanin ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ayon kay Lorenzana, hindi nila hahayaang na tayuan ng China nga anumang structure ang Julian Felipe Reef dahil pagmamay-ari ng Pilipinas ang lugar.
Napag-alaman na umani ng pagkondena mula sa Japan, US, Canada, Australia at United Kingdom ang pagbali ng Beijing sa international law na maging banta sa kapayapaan.