-- Advertisements --

Ipinahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kanyang lubos na pasasalamat sa “mabilis na pagtugon” na ibinigay ng gobyerno ng Malaysia sa mga pagsisikap ng Pilipinas na makabawi mula sa matinding epekto na iniwan ng Severe Tropical Storm Kristine.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag sa isinagawang send-off ceremony para sa Royal Malaysian Air Force (RMAF).

Binigyang-diin ni Teodoro na napakahalaga ng kanilang suporta sa pagsisikap ng Pilipinas sa pagbawi kasunod ng Severe Tropical Storm Kristine, at nagpapakita din ito sa matatag na pagtutulungan sa oras ng pangangailangan.

“I would like to extend my heartfelt gratitude to the Malaysian Government for their swift response to our request for assistance. Your support during this critical time has been invaluable in our recovery efforts following Severe Tropical Storm Kristine, and it exemplifies our strong partnership in times of need,” pahayag ni Sec. Teodoro.

Isang plaque of recognition ang inabot ng Pilipinas sa delegasyon ng Malaysia bilang pasasalamat sa pagtutulungang pagsisikap sa pagpapagaan ng epekto ng bagyo.

Ang nasabing hakbang ay sumasagisag din sa lumalagong ugnayan sa pagitan ng mamamayang Pilipino at ng pamahalaan ng Malaysia, na nagpapatibay sa diwa pagtutulungan.