-- Advertisements --
Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana

Nagbabala ngayon ang Department of Defense kaugnay sa lone wolf attack na posibleng ilunsad sa mga malalaking siyudad sa bansa ng teroristang grupo.

Ito’y kasunod sa nangyaring pagsabog sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi malayong gawin ito sa Metro Manila, Cebu, at iba pang key cities sa buong bansa.

Kaya naman, hinimok nito ang PNP, lalo na ang National Capital Region Police Office na paigtingin ang seguridad sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Lorenzana na ang planong lone wolf attack ay spill over sa nangyayaring terroristic activities sa Mindanao.

Giit pa ng kalihim, dapat higpitan ang seguridad sa mga paliparan at pantalan para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng mga terorista.

Inihayag ni Lorenzana, batay sa impormasyong nakalap nito Pilipino ang lone wolf attacker na experto sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

“There is some of that and, na baka magspillover dito and it is possible because if he is a Filipino and operating alone, yung tinatawag nating lone wolf, magdala lang sya rito, or he can come here and produce bomb using local materials bec actually that they are doing, the improvised explosive device can actually sourced locally, fertilizer lang yan e, fertilizer, ammonium nitrate and all those things, and they can make crude bomb but its very destructive,” pahayag ni Lorenzana.

Sinabi ng kalihim, naka alerto na ngayon ang mga otoridad kaugnay sa planong paghasik ng karahasan ng teroristang grupo.