-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa naulilang pamilya ni MMDA Chairman Danny Lim na pumanaw sa edad na 65-years old.

Sa pahayag ng kalihim, sinabi nito na nawalan ang bansa ng isang lider na pinahahalagahan ang serbisyo sa publiko.

Kinilala rin ni Lorenzana ang suporta ni Lim sa Inter-Agency emergency response operations.

Si Lim ay miyembro ng Philippine Military Class of 1978 at naitalagang pamunuan ang MMDA noong 2017.

Nagpositibo si Lim sa COVID-19 noong December 29, 2020 kung saan mild symptoms ang naranasan nito.

Sa ngayon hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng MMDA chairman.