-- Advertisements --

Panahon na para magkaisa ang sambayanan laban sa mga kriminal at teroristang New People’s Army (NPA).

Ito ang inihayag ni Defense secretary Delfin Lorenzana matapos ianunsyo ng liderato ng NPA ang mas malakas na kampanya nila kontra sa gobyerno.

Ayon Kay lorenzana, tama lang na bansagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mga terrorista ang NPA dahil walang ginawa ang komunistang grupo kundi kikilan ng pera ang mga mamamayan, manunog at manira ng mga ari-arian gayundin ang mang-harass ng mga inosenteng sibilyan.

Inihayag nito na ginagamit ng NPA ang panloloko at pananakot upang makahikayat ng supporta sa mga mamamayan at pinapatay ang lahat ng mga kumokontra sa kanila.

Aniya, ang NPA ang humahadlang sa pagnanais ng pamahalaan karoon na ng pangmatagalang kapayapaan sa mga kanayunan dahil sa kanilang pagnanais na patuloy na mag-hari-harian sa pamamagitan ng takot at karahasan.

Nanawagan rin si Lorenzana sa mga mamayan na wag bigyan ng pwang sa nilang mga komunidad ang NPA at ireport agad sa mga autoridad ang mgaal na aktibidad ng mga terroristang komunista.

Tiniyak ni Lorenzana na sa tulong ng mga mamayan Ay mawawakasan din ng militar ang paghahasik ng terrorismo ng komunistang grupo.