-- Advertisements --

Nagkaharap ng personal ang mga defense chiefs ng China at US.

Isinagawa ang pag-uusap nina Chinese Minister of National Defense Adm. Dong Jun at US Defense Secretary Lloyd Austin sa sidelines ng annual defense conference sa Singapore.

Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawang opisyal mula pa noong 2022.

Tumagal ang pulong ng dalawa ng mahigit isang oras kung saan tinalakay nila ang mga isyu ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Nagkasundo rin ang dalawang panig na magkaroon ng regular na pagpupulong para bumaba ang tensiyon ng dalawang bansa.