Pinawi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami sa Taal lake.
Ayon sa kalihim, masyadong maliit ang volume ng tubig ng Taal lake para magkaroon ng tsunami.
Ito’y matapos naiulat na tumaas ng dalawang metro ang tubig mula sa dalampasigan ng Taal lake na senyales ng posibleng tsunami.
Paliwanag ng kalihim maaring ma-displace ang tubig kapag nagkaroon ng paggalaw sa lupa dahil sa volcanic activity pero hindi ito katulad ng tsunami sa karagatan.
Ang delikado aniya ay kung magkakaroon ng malaking pagsabog sa ilalim ng tubig na maging hazardous eruption.
” I was listening to USec Solidum sabi niya wala namang danger ng tsunami, dahil yung lake maliit siguro mga malilit na waves lang, anyway we should be very alert kung meron man na big eruption that will disturb the water,” pahayag ni Sec. Lorenzana.