Inihayag ni Department of Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na dapat mag-ingat ang mga member-state ng Association of Southeast Asian antion (ASEAN) sa mga pagtatangka ng external powers na makialam sa domestic affairs.
Itinaas ng kalihim ang naturang babala sa kaniyang talumpati sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) 2025 Retreat sa Penang, Malaysia noong nakalipas na linggo.
Kung saan hinimok ng Defense chief ang kaniyang mga counterpart na tutulan ang coercion sa anumang paraan at ang palitan ng impormasyon sa mga aktibidad ng dayuhan na nakakasira sa ating pambansang seguridad.
Hinikayat din ni Sec. Teodoro ang ASEAN na palakasin ang tiwala sa kani-kanilang military sa pamamagitan ng pagpapalawak pa ng joint patrols, exercises at intelligence-sharing.