Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na hindi maaabuso ang Anti-Terrorism Bill ngayong ganap ng batas ito, matapos pirmahan ni Pang. Rodrigo Duterte.
Nanawagan naman si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang anti-terror law.
Ayon sa kalihim, dapat basahin ng publiko at unawain ang nilalaman ng Anti-Terrorism Act of 2020.
Ayon kay Lorenzana, isang welcome development para sa kanila ang naturang batas dahil mas magkakaroon ng kapangyarihan ang mga Law Enforcment Agencies na tugisin ang teroristang grupo.
Siniguro ng Kalihim sa publiko na magiging maingat ang militar sa pagpapatupad sa nasabing batas ng sa gayon hindi maabuso ang karapatang pantao.
Una rito, marami ang bumatikos sa paglagda ng Pangulo sa nasabing batas.
Sa kabilang dako, kapwa ikinasiya ng PNP at AFP ang paglagda ng Pangulo sa Anti-Terrorism Bill.