Itinuturing ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na isang milestone patungo sa kapayapaan, stability sa Indo-Pacific at maging sa Asian region ang paglagda sa Philippine-Japan Reciprocal Access Agreement (RAA) na nag level-up pa sa relasyon ng dalawang bansa at lalong magpapatatag sa kooperasyong military.
Sinabi ni Secretary Teodoro na ang RAA ay isang shared endeavor upang matiyak ang rules-based international order.
Ang bagong bilateral defense agreement, ay nangangailangan ng concurrence ng Senado at kailangang pagtibayin ng Japan’s Diet.
Layon nito na bigyang daan ang military exercises, at mahigpit na defense and security relations.
Ang RAA sa Pilipinas ay siyang na ginawa ng Japan sa isang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.
Sinabi ni Teodoro, aalisin ng kasunduan ang mga paghihigpit sa military exchanges sa pagitan ng Self-Defense Forces ng Japan at ng Armed Forces of the Philippine para sa gagawing joint military exercises at mga operasyon sa pagtulong sa kalamidad.
Sinabi ni Secretary Teodoro na ang kasunduan ay “nagdaragdag ng mahalagang aspeto ng seguridad na lumilikha ng isang holistic na dimensyon sa bilateral relations.