-- Advertisements --

Naniniwala si Defense Secretary Gilberto Teodoro na dapat lang labanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mapanganib at walang ingat na pag-uugali ng China sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag sinabi ni Teodoro na ang ipinapakitang pag-uugali ng CHina ay sumasalungat sa kanilang mga pahayag ng mabuting pananampalataya at pagiging disente. 

Binigyang-diin ni Secretary Teodoro na gagawin ng defense department ang kanilan makakaya upang matupad ang kanilang sinumpaang mandato na protektahan ang integridad ng teritoryo at sovereign rights ng bansa.

Dagdag pa ni Teodoro na dapat ay malinaw din sa internasyonal na komunidad na ang mga aksyon ng China ang siyang tunay na hadlang sa kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea.