-- Advertisements --

Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na kailangan pang humingi ng diplomatic clearance ang mga Chinese vessels o mga foreign ships kapag dumaan sa may Sibutu at Balabac Straits dahil ito ay itinuturing na international waters.

Sinabi ng kalihim pag-aaralan pa ng Defense Department kung papaano nila ipatutupad ang naging kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte hinggil sa mga foreign ships na humingi muna ng diplomatic clearance bago ito lumayag sa Philippine waters.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana may mga probisyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang hindi malinaw o hazzy kaya kailangan ng masinsinang pag aaral dito.

DND lorenzana duterte
Lorenzana ang Pres. Duterte

Dagdag pa ng Kalihim kailangan pa nila isangguni muna ito sa mga experto ng sa gayon maintindihan ang mga nasabing probisyon.

Hiningan na rin ni Lorenzana ang Philippine Navy ng kanilang interpretasyon hinggil sa sinabi ng Pangulo na komprontahin ang mga foreign vessels in an unfriendly manner kapag hindi humingi ng clearance.

” Pinag-aaralan namin kung paano, kasi medyo kuwan pa,hazzy pa yung provisions ng UNCLOS,” wika ni Sec. Lorenzana.

Aminado naman ang kalihim na may pangamba sa posibilidad na mina map ng mga Chinese survey ship ang seabed ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kasunod ng presensiya ng mga Chinese survey ship na labas masok sa teritoryo ng bansa.

” That will be a concern pero we know what they are doing, they might just be studying the current, or the sea yung mga fish, yung migratory fish,” dagdag pa ni Lorenzana.

Giit ng kalihim na maaga pa para sabihin na nagsasagawa sila ng survey sa ating teritoryo.

Aminado rin ang kalihim na wala silang mekanismo para matukoy kung ano ang ginagawa ng mga Chinese survey ship.