Nasa proseso na ngayon ang Defense Department at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbuo ng mga protocol hinggil sa ibibigay na tulong ng ibang bansa bilang tugon sa disaster and relief efforts bunsod ng bagyong Kristine.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro nakikipag ugnayan sila sa kalapit na bansa sa Asya para humingi ng tulong gaya ng Malaysia,Indonesia at Brunei.
Sa ngayon kasi ayon sa kalihim, inaayos na nila ang mga detalye nang sa gayon kapag humingi na sila ng tulong ay alam na kung saan ito dadalhin at saan lalapag ang kanilang eroplano.
Sa ngayon sinabi ni Teodoro na kaya pa naman ng resources ng pamahalaan.
Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na bubuo sila ng isang multi national coordinating centers para sa iba pang mga bansa na nais maghatid ng tulong sa ating mga kababayan na apektado ng bagyong Kristine.
Sinabi naman ni Brawner na tumugon na ang US sa kanilang request na tulong para sa humanitarian and disaster response.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ni PBBM na gamitin ang mga EDCA sites para sa aktibidad ng AFP.
Aniya dapat magamit ang paliparan sa mga EDCA sites para duon sa mga foreign aircraft na magdadala ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.