Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kaniyang binisita ang US aircraft carrier na siyang nagpapatrulya ngayon sa may bahagi ng West Philippine Sea.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo sa kalihim kaniyang sinabi na maganda at makabuluhan ang ginawa nitong pagbisita.
Sinabi ni Lorenzana na ipinakita ng Estados Unidos ang kanilang mga capabilities at
kahanga-hanga ang nasabing aircraft carrier at ang nasa 70 iba pang mga aircraft ng US Navy.
” The visit was very good. They just showed us their capabilities,” mensahe na ipinadala ni Sec. Lorenzana sa Bombo Radyo.
Base sa pagsasalarawan ng Kalihim na “very interesting and informative” ang kanilang ginawang pagbisita sa aircraft carrier.
Bukod kay Sec. Lorenzana, kasama nito ang ilang mga top officials ng pamahalaang Duterte ng bisitahin ng mga ito ang USS Carl Vinson.
Ayon kay Lorenzana matatag ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos batay sa mutual defense treaty na pinirmahan ng dalawang bansa.
Ang USS Carl Vinson ay bahagi sa ginagawang “routine operations” ng US Navy sa may bahagi ng West Philippine Sea simula noong nakaraang buwan pa.
Layon nito para ipahayag ang freedom of navigation lalo na sa mga lugar na inaangkin ng China, Pilipinas at iba pang mga Southeast Asian nations.
Nilinaw naman ni Lorenzana na walang kinalaman ang Pilipinas sa ginagawang naval patrols ng US sa West Philippine Sea.