Suportado ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggawad ng amnestiya sa mga dating rebelde na malaking tulong aniya sa external defense.
Ang naturang amnestiya aniya ay para sa mga nais na magbalik loob sa gobyerno gayundin para sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Dagdag pa ni Teodoro na babalangkas ang Pangulo ngg proklamasyon para sa mga kwalipikado upang matutukan ang external defense.
Subalit nanindigan naman ang Defense chief na ang alok na amnestiya ay hindi bilang kapalit o pagbubukas ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga komunista.
Pabor din si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Murad Ebrahim na nagsilbi ding chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa panawagang amnestiya ng Pangulo para sa mga dating rebelde dahil nais nilang makumpleto ang peace process.
Bahagi aniya ito ng napagkasunduang deklarasyon ng amnestiya at umaasang ito ay mapaspasan.
Matatandaan na una ng pumasok sa isang peace agreement ang MILF group sa gobyerno noong taong 2014.