Suportado Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panukalang mandatory vaccination para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sinabi ng kalihim, kailangang may gagawing drastic action ang pamahalaan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na ang Omicron variant.
Si Lorenzana ang chairman ng National Task Force against COVID-19.
Ayon kay Lorenzana, kakailanganin ng batas para maobliga ang mga Pilipino na magpabakuna.
May mga hakbang din na susundin sakaling tumangging magpa bakuna.
Ilan sa mga ito ay ang pagbabawal sa hindi pa bakunado na bumiyahe, pag oobliga sa kanilang sumailalim sa RT-PCR test 72 oras bago pumunta sa mga mall, pasyalan, kainan, stadium atbp
Sa ganitong paraan aniya, mapipilitan ang mga hindi pa nababakunahan na magpaturok na upang hindi na maging carrier ng virus at maiwasan na rin silang maging liability ng Pamahalaan sakaling sila’y tamaan ng COVID-19.