Tahasang tinawag na bully ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang China.
Para sa kalihim kasi ang ginagawang pananakop ng Beijing sa mga isla sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) partikular ang Scarborough shoal ay malinaw na pambu-bully ito.
Aniya, iba ang ibinibigay na pahayag ng China sa kanilang ginagawa.
Kaya tila wala nang naniniwala sa kanilang mga ibinibigay na pahayag gaya ng pagsunod nila sa freedom of navigation na naaayon sa International laws.
Giit ni Lorenzana, simula ng sakupin ng China ang ilang isla sa West Philippine Sea ay binubully na nila ang Pilipinas.
” Well the way that they took over Scarborough shoal to me that is, that was bullying,” pahayag ni Lorenzana.
Binigyang-diin ni Lorenzana na hindi na bago ang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jao Jianhao dahil ilang beses na niya ito narinig.
Iginiit kasi ng China nais nilang maresolba ng mapayapa ang sigalot sa West Philippine Sea.
” Yung speech niya kahapon, I have heard that version of those speech many times already, I heard that from the mouth of Xi Jin Ping when we met him with the president, first time we met in 2016, I heard it from the mouth of other ministers, and then again last Shangrila dialogue, narinig ko na naman yan sa minister of defense nila, so nothing new from what they are saying, so they are saying that they will not, they want peace in south china sea, blah blah blah, but it does not match what they are doing on the ground,” wika ni Sec. Lorenzana.
Sa isinagawang pulse Asia Survey bumaba ang tiwala ng mga Pilipino sa China dahil sa ginagawang pambu bully nito.
Inihayag din ng kalihim kailanman hindi binully ng US ang Pilpinas kaya hindi nakakapagtaka kung mataas ang trust rating ng US dahil sa hindi naman nito ginugulo ang bansa.