-- Advertisements --

Tinawag na inutil at nahihibang na organisasyon ni Defense secretary Delfin Lorenzana ang Communist Party of the Philippines (CPP) dahil hindi na nito kayang tumukoy kung ano ang isang totoo sa isang “fantasy” na impormasyon.

Ito ay matapos sinabi ng CPP na ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at bandidong Abu Sayyaf sa Bohol ay sabwatan daw sa pagitan ng pamahalaan at Estados Unidos.

“The CPP, as before, has become delusional and can no longer distinguish between what is fact and what is fantasy. It has clearly become a victim of its own propagandizing and has rendered itself inutile and an unreliable source of the truth. It is not and has never been credible,” ani Lorenzana.

Tinukoy din ng kalihim na ang CPP ay isang pekeng organisasyon na binubuo ng mga indibidwal na nagpapanggap na mga patriots at nationalists.

Giit pa ng kalihim, ang nasabing pahayag ng CPP ay nagpapatunay lamang na ang nasabing organisasyon ay hindi nagtataglay ng “value of transparency” gaya ng ginawa nilang Plaza Miranda bombing noong 1971.

“Just like the Plaza Miranda bombing which they hatched, executed, denied, and eventually admitted, the CPP is likely to create scenarios and will pass off these lies as the truth in order to push its selfish, anti-people and anti-government motives, such as extortion, kidnapping and intimidation,” pahayag pa ni Lorenzana.