Tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na committed ang Pilipinas sa pakikipag dialogo sa China para mapanatili ang peace and stability sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Ito’y sa kabila ng patuloy na pakikipag negosasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ASEAN countries para sa pagbuo ng code of conduct.
Sa isang panayam sinabi ni Secretary Teodoro suportado ng Pilipinas ang isang dialogo kasama ang China.
Sa ASEAN Summit na ginanap sa Lao PDR, nagpahayag ang Beijing na committed sila sa isang dialogue kasama ang Pilipinas na layong pahupain ang tensiyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ng kalihim kung totoong committed ang Beijing sa isang dialogue dapat maging kapani-paniwala ito lalo at ang China lamang naniniwala sa kanilang mga sinasabi.
Giit ni Teodoro, committed ang Pilipinas sa dialogue pero dapat hindi niloloko at sinasaktan ng China ang Pilipinas.