-- Advertisements --

Hindi maaapektuhan ang relasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng madugong insidente na “misencounter” sa Samar na ikinasawi ng anim na pulis habang siyam ang sugatan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang insidente sa Samar ay hindi sinadya ito ay isang “unfortunate” incident na walang may gusto na mangyari.

Sinabi ng kalihim na ongoing ang imbestigasyon ng Board of Inquiry kaugnay sa insidente.

Aniya, hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng PNP at AFP.

Dagdag pa ng kalihim, maganda ang relasyon ng militar at mga pulis, sa katunayan may mga joint exercises ang mga ito na naglalayon para mapalakas pa ang koordinasyon ng dalawang security sector

Siniguro naman ni Lorenzana may mananagot sa nasabing insidente sa sandaling mapatunayang may dapat managot sa insidente.

Bukas, Lunes, July 2, 2018 nakatakdang mag pulong ang probe team ng PNP at AFP kaugnay sa madugong “misencounter” sa Sta Rita,Samar.