-- Advertisements --

Hindi sasayangin ng Department of National Defense (DND)ang tiwalang ibinigay ng sambayan kaugnay sa pagpapalawig pa ng Martial Law ng limang buwan sa Mindanao hanggang December 31, 2017.

Ayon kay Sec. Delfin Lorenzana na gagawin ng defense deparment ang lahat para tugunan ang problema ng rebelyon sa Marawi City sa lalong madaling panahon.

“Your defense department will strive even more to deal with the rebellion decisively and expeditiously,” mensahe ni Lorenzana.

Siniguro din ng kalihim na gagampanan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang kanilang misyon na magsilbi sa bayan ng buong katapatan,ipagtanggol ang bayan at mga mamayan.

“Makaaasa ang sambayanan na hindi namin sasayangin ang tiwalang ito. Gagampanan ng ating Hukbong Sandatahan ang pagtatanggol sa bayan at mga mamamayan nang buong katapatan,’ giit ng kalihim.

Aminado si Lorenzan na hindi niya  inaasahan na maging overwhelming ang boto ng mga mambatatas para sa extention ng Martial Law sa Mindanao kasama ang suporta ng sambayanang Filipino.

Inilarawan pa ng kalihim ang boto ng mga senador at kongresista na “overwhelming vote of confidence.”

Umapela naman si Lorenzana, sa mga kapatid na nalilihis ang landas na may panahon sila pata magbalik loob sa pamahalaan.

Aniya, handa ang gobyerno na sila ay tanggapin anumang oras gustuhin nila ng walang hinihinging kondisyon.

” Sa mga  patuloy  na nalilihis   ang landas,   magbalik loob   na  kayo. Handa kayong tanggapin ng inyong gobyerno anumang oras na gustuhin ninyo nang walang hinihinging kondisyon. Ang oportunidad para tayong lahat ay umunlad sa marangal na paraan ay ibinibigay ng pamahalaang ito,” dagdag pa ni Lorenzana.

Babala naman ng kalihim sa mga indibidwal na patuloy makipag laban sa pamahalaan, pagtiyak nito na hindi sila titigilan ng militar at PNP hanggang hindi sila naaaresto.