-- Advertisements --

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayruon ng ginagawang hakbang ang pamahalaan para mapigilan ang pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa.


Ayon sa kalihim pinakikilos na nila ang mga local government units para striktong ipatupad ang health safety protocols sa kani-kanilang siyudad para hindi na umabot sa lockdown kung saan lahat ay mahihirapan.


Giit ng kalihim, napansin kasi nila na medyo nag relaks ang LGU dahilan para sumirit muli ang kaso ng Covid-19.


Aminado si Lorenzana na nakaka-alarma ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.


Kahapon nasa 5,200 ang naitalang bagong kaso at kung magpapatuloy ito siguradong mapupuno ang mga hospital beds.


Dagdag pa nito umaaray na sa ngayon ang mga hospital dahil napupuno na ang kanilang mga hospital beds, dahil dito inatasan na ni Sec Duque ang mga hospital ng dagdagan ng 20 hanggang 35 percent ang kanilang bed capacity para ma-accomodate ang mga bagong cases.


Triple din ang pagtatrabaho ang ginagawa ngayon ni Vaccine Czar Carlito Galvez para makakuha ng dagdag na bakuna para masimulan na ang vaccination program sa bansa.

Sa kabila ng pagsirit ng Covid-19 cases sa bansa, sinabi ni Lorenzana na hindi pa napag-usapan ang lockdown, kaya mahagala na paigtingin ng LGUs ang pagpapatupad ng health protocols.