-- Advertisements --

Umaasa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na bababa pa ang bilang ng Covid-19 infections sa susunod na limang araw.


Magugunitang sinabi ng kalihim noong linggo na kung bababa ang bilang ng infection ay maari nang ibaba sa GCQ ang ipinaiiral ngayon na MECQ.

Pero nitong Lunes ay naitala ang single highest increase ng COVID-19 case na 6,958.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Lorenzana sa Bombo Radyo, nilinaw ng kalihim na hindi nagbago ang kanyang posisyon na maari nang luwagan ang galaw ng publiko kung bababa ang bilang ng mga impeksyon.

Giit ng kalihim, mayroon pang limang araw bago matapos ang MECQ para patunayan na tama ang kanyang orihinal na projection na bababa ang mga bagong kaso ng Covid-19.

” Buenos Dias.Hindi ko binawi. My statement kasi has a caveat. If trends continue that the new cases decrease because during my interview was 3000 the day before from 6000 the previous days. That was the trend I was referring to. But the following day the cases jumped back to 6000. Sabi ko palpak yata yung prediction ko.
But we still have 5 days to go before end of MECQ. I may be proven right yet,” mensahe na ipinadala ni Sec Lorenzana sa Bombo Radyo.