Nangako ang Defense chiefs mula sa Amerika, Pilipinas, Japan at Australia na palalimin pa ang kanilang kooperasyon kasabay ng kanilang ikalawang Trilateral Defense Ministerial Meeting sa Hawaii sa gitna ng mga concern sa mga operasyon ng China sa pinagtatalunang karagatan kabilang ang West Philippine Sea.
Ang naturang pagpupulong ay kasunod ng kauna-unahang joint naval exercises ng 4 na bansa noong nakalipas na buwan sa disputed waters.
Ayon kay US Defense Sec. Lloyd Austin,ang naval drills ay nagpalakas sa abilidad ng 4 na bansa para magtulungan, patatagin ang ugnayan sa kani-kanilang pwersa at binigyang diin ang kanilang shared commitment sa international law pagdating sa pinag-aagwang karagatan.
Sinabi naman ni Australian Defense Minister Richard Marles na napag-usapan ng defense chief ang pagtaas ng tempo ng kanilang defense exercises.
Matatandaan na una ng nagpulong ang defense chiefs ng 4 na bansa sa Singapore noong nakalipas na taon.