Isusulong ng Pilipinas ang mas magandang kooperasyong pangdepensa sa bansang Saudi Arabia.
Ito ang resulta ng naging pag-uusap ni AFP Chief of Staff General Andres Centino at Philippine Ambassador to Saudi Arabia His Excellency Adnan Alonto.
Ito’y matapos ang courtesy call ng ambassador sa AFP chief kahapon sa Camp Aguinaldo.
Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagsulong ng defense cooperation agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Gayundin ang posibilidad ng paglalagay ng Defense and Armed Forces Attaché sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia.
Ang Saudi Arabia ang tradisyunal na pangunahing destinasyon ng mga overseas Filipino workers bago mag-pandemya.
Samantala nagpulong naman sina Sec. Delfin Lorenzana at Ambassador Hisham Sultan Al Zafir Alqahtani ng Saudi Arabia at Ambassador Mohammed Obaid Salem Alqataam ng United Arab Emirates.
Nagpahayag ang dalawang ambassador ng kanilang intensiyon sa posibleng defense relations sa Pilipinas and exploring defense cooperation, conduct of high-level visits, at ang defense industry and logistics collaboration.