-- Advertisements --

Magpapasaklolo na ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa Asya para tumulong sa disaster and relief efforts kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro nakatakdang makikipag ugnayan ang Department of National Defense (DND) sa kanilang mga international counterparts partikular ang mga ASEAN countries para humingi ng tulong sakaling kakailanganin ng mga dagdag na resources para sa search, rescue and relief operation.

Inihayag ni Teodoro na kanila kasing inaasahan ang worst case scenario dahil posibleng malawak ang pinsala na iiwanan ng bagyong kristine.

Partikular na tinukoy ni Teodoro ang kalapit bansa ang Singapore, Malaysia, Indonesia at Brunei kung saan lalapit ang Pilipinas para hingan ang kanilang tulong.

Nilinaw naman ni Teodoro na sa ngayon hindi pa nagre-request ang gobyerno sa ibang bansa dahil kanila pang mina maximized ang lahat ng resources at kaya pa naman tugunan ng ibat ibang ahensiya ang kanilang isinasagawang disaster response effort.

Sinabi ng Kalihim sa sandaling sila ay mag request na sa kanilang international counterpart, kailangan nakalatag na kung ano ang mga gagawin at saan dadalhin ang mga tulong.

Nakikipag-ugnayan na rin uli ang Pilipinas sa Amerika para sa panibagong tulong.

Sa panig naman ni AFP Chief of staff Gen. Romeo Brawner, inihayag nito na kanilang bubuksan ang mga EDCA sites para duon lumapag ang mga aircrft ng mga bansang tutulong sa relief efforts.

Siniguro naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na naka preposition na sa ngayon ang kanilang mga relief goods at naka handa ng ipamahagi sa mga evacuees.

Ang Bicol region ang lubhang naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Kristine.