-- Advertisements --
Lubos na ikinatuwa ng Department of National Defense (DND) ang naging pasya ng Korte Suprema na pagtibayin ang legalidad ng idineklarang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao.
Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, makaka asa ang publiko na lalo pang paiigtingin ng militar ang seguridad at bantayan ang mga komunidad mula sa anumang banta ng rebelyon, terorismo at violent extremism.
Tiniyak din ni Andolong na pangangalagaan ng mga tropa ng pamahalaan na maayos na maipatutupad ang Bangsamoro Organic Law (BOL) at maipaglaban ito mula sa mga peace spoilers.
Kung maalala tatlong beses nang inaprubahan ng senado at kongreso ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao mula nang sumiklab ang Marawi Siege nuong May 2017.