Ipinauubaya na ng Defense Department sa National Maritime Council ang hakbang kung ano ano gagawing aksiyon kaugnay ng pinakahuling harassment na ginawa ng Chinese Coast Guard na binangga nito ang barko ng BFAR.
Sa panayam kay Defense secretary Gilberto Teodoro, sinabi nitong mayruon silang hakbang na gagawin subalit hindi niya ito maisasapubliko.
Kung tutuusin wala aniyang bago sa ginawa ng Chinese Coast Guard na aniyay paulit- ulit na lamang.
Wala aniyang pakialam ang China sa kung anoman ang ginagawa nito na aniyay dapat na lang paghandaan.
Subalit bagamat tila sanay na ang Pilipinas sa ganitong mga aktuwasyon ng China ang Pilipinas.
” Nonetheless, we expect this kind of behaviour from China, because this is a struggle We have to be ready to anticipate and get used to these acts which are patently paulit ulit na natin sinasabi na illegal pero wala sila pakialam,” pahayag ni Teodoro.
Binigyang-diin din ni Teodoro na hadlangan ang armadong pag-atake at paghandaan ang mga sarili para maging malakas.
” You know that is putting the cart before the horse. let us deter an armed attack. That is the more important thing here, That is what I am focus on doing. everybody is focused on armed attack. Let us make ourselves strong enough so that doesn’t happen,” dagdag pa ni Teodoro.