-- Advertisements --

Mariing pinasinungalingan ng Department of National Defense (DND) ang ulat na ipinapakalat ng ilang sektor sa online na umanoy nagbitiw na sa pwesto si Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr.

Nananawagan ang defense department sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing pekeng balita na itigil na ito.

Ayon kay defense spokesperson Director Arsenio Andolong na naka pokus sa trabaho si Secretary Teodoro at ang Department of National Defense sa pagpapalakas sa capabilities para protektahan ang territorial integrity and sovereignty ng bansa.

Hinimok ng DND ang publiko na maging mapagbantay laban sa mga mapanlinlang na pahayag na naglalayong maghasik ng hidwaan sa mga mamamayang Pilipino at ilihis ang atensyon sa mga tunay na hamon na dumarating sa ating bansa.