-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng peace and security summit ang Department of National Defense (DND) sa probinsya ng Sulu.
Ayon kay DND Public Affairs Service chief Arsenio Andolong, dadaluhan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security adviser Hermogenes Esperon, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año at Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing summit.
Layon nito para i-educate ang Muslim community sa probinsya lalo na ang mga kabataan sa radicalization.
Maliban dito hihikayatin din ang mga lokal na pamahalaan sa Mindanao pati na ang mga residente roon na huwag kanlungin at tulungan ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa gitna ng pinaigting na operasyon ng gobyerno laban sa mga bandido.