Nagpulong ngayong araw ang House Committee on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea upang simulan ang pagsisiyasat ukol sa umano’y gentleman’s agreement na pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Chinese President Xi Jin Ping.
Ito ay batay sa House Resolution 1684 ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun at privilege speech ni 1-Rider partylist Rep. Rodge Gutierrez.
Ayon kay Iloilo 5th district Rep. Raul Tupas, vice-chair ng defense committee, layunin ng pag-dinig na matukoy ang katotoohanan sa naturang kasunduan, bakit hindi ito naipaalam sa bagong administrasyon, ano ang nilalaman nito, bakit kailangan itong isikreto at hindi ipinaalam sa ibang ahensya ng pamahalaan at kung nakompromiso ba ang ating soberanya at teritoryo.
Sa panig naman ni Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales, chair ng special committee, muli nitong iginiit na ang Ayungin Shoal at pasok sa ating exclusive economic zone.
Paalala din nito sa mga Pilipino na hindi dapat makinig at maniwala sa false narrative o ginagawang kwento ng China ng ang Pilipinas ang nagpapalala ng tensyon sa West Philippine Sea, gayong pinoprotektahan lang natin ang ating teritoryo.
Nagpahayag ng pagka dismaya si Khonghun, dahil sa kabila ng pag-iimbita ng Kamara sa mga key officials ng dating adminsitrasyon para mabigyang linaw ang naturang usapin, ay wala sa kanila ang dumalo.
Kabilang dito sina dating Defense Sec. Delfin Lorenzana, dating National Security Adviser Hermogenes Esperon, at dating Exectuice Secretary Salvador Medialdea na nagpadala lamang ng kinatawan.
Pinaiimbitahan din ni Mindoro Rep. Arnan Panaligan na maimbitahan din sina dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at dating Presidential Spokesperson Harry Roque na unang nagpalutang na mayroon gentleman’s agreement.