-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na nananatili pa ring bukas ang kanilang kanilang ugnayan sa University of the Philippines (UP) kahit pinawalang bisa na ang UP-DND 1989 accord.


Ito’y kasunod ng apela ng pamunuan ng UP na suspindihin muna ang pasya nito na tuluyan ng ibasura ang nasabing kasunduan.


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi siya magsasalita ng tapos at kaniya ring pag iisipang mabuti kung pagbibigyan o hindi ang hirit na ito ng UP.


Magugunitang nakipagpulong si Lorenzana sa mga Opisyal ng UP asama si Board of Regents at Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera, Huwebes nuong isang linggo para pagkasunduin ang magkabilang panig.


Una nang nanindigan si Lorenzana na wala nang dahilan para ituloy

pa ang kasunduan dahil sa pinaglipasan na ito ng panahon at nagampanan na ang layunin nito.


Kinumpirma rin ni Lorenzana na masusundan pa ang nangyaring diyalogo nuong isang linggo sa pagitan ng UP, CHED at DND subalit wala pang ibinigay na petsa ang Kalihim kung kailan ito mangyayari.