Nasa probinsiya ngayon ng Sulu sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief General Eduardo Año para sa isang dialogue sa mga local government at barangay officials.
Layon ng nasabing dialogue na magkaroon ng magandang koordinasyon ang militar lalo na sa kanilang pinalakas na kampanya laban sa bandidong Abu Sayyaf.
Sa kabilang dako, personal namang sinabitan ng medalya nina Defense Sec Delfin Lorenzana at AFP chief of staff Gen Eduardo Año ang 10 natatanging sundalo na nakipaglaban sa bandidong Abu Sayyaf Group.
Isinagawa ang awarding ceremony sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.
Dalawang sundalo ang nakatanggap ng gold cross medal, silver cross medal naman ang para sa dalawa pang iba habang military merit medal naman para sa walong iba pa.
Isa naman ang binigyan ng parangal ang sundalong kabilang sa grupong nakarekober sa mga labi ni Juergen Kantner ang German hostage na pinugutan ng Abu Sayyaf.