-- Advertisements --
Kinumpirma ng Australian government na tinanggap ng Philippine government ang kanilang tulong lalo na sa kampanya laban sa terorismo.
Ayon kay Australian Minister for Defense Senator Marise Payne, dalawang aircraft mula sa Australian Defense Force na AP-3C Orion ang magbibigay ng surveillance support sa Armed Forces of the Philippines lalo na sa operasyon nito sa Mindanao.
Mariing kinokondena ng Australia ang ginawang pag-atake ng Daesh inspired groups sa Marawi.
Sinabi ni Payne na nagpulong sila ng kaniyang Philippine counterpart na si Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa tulong na ibibigay ng Australian government sa Pilipinas.
Giit ni Payne na malugod na tinanggap ng Pilipinas ang kanilang alok na tulong.