-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan si Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Beijing na respetuhin ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ito ay matapos namataan ang higit sa 200 barko ng China sa Julian Felipe Reef noong Marso 7.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lorenzana, sinabi nito na malinaw na isang uri ng pagsalakay ang ginagawa ng Chinese milita boats.

Tiniyak naman ni Lorenzana na gagawa sila ng hakbang upang protektahan ang mga pinoy na mangingisda at marine resources ng bansa at pagpanatili sa kapayapaan at katatagan sa pinagtatalunang teritoryo.

Sinang-ayunan naman ni Lorenzana ang ginagawang diplomatic protest ni Foreign Secretary Teodoro Locsin laban sa China.