-- Advertisements --
Kinilala ni Defense Sec. Gilberto Teodoro J. ang kabayanihan ng mga sundalong nag-aalay ng sarili para sa bansa.
Ayon kay Teodoro, hindi matatawaran ang ginagawang sakrispisyo ng mga sundalong ito para matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.
Bahagi ito ng naging mensahe ng kalihim ngayong nalalapit na ang pasko.
Nanawagan rin ito sa mga mamamayan na ipagdasala ang mga sundalo ng bansa na piniling sundin ang kanilang mandato na bantayan ang mas nakararami sa halip na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Aniya, magsilbi sanang paalala ang mga sakripisyo na ito ng mga kawal ng bansa para magkaisa ang lahat lalot nat maraming kinakaharap na hamon ang Pilipinas partikular na sa usapin ng seguridad at soberanya.