-- Advertisements --

Tuluyan nang pinakawalan ng Chicago Bulls ang Defense specialist na si Alex Caruso kapalit ng point guard na si Josh Giddey.

Si Caruso ay isang NBA champion at nagsisilbing pangunahing depensa ng Bulls sa mga nakalipas na seasons. Nagsilbi rin siyang key player noong 2020 championship rin ng Lakers.

Si Giddey ay 21 anyos na all-around guard ng Oklahoma City Thunder na nakitaan ng potensyal sa kanyang mga play, lalo na ang mahihirap na inbound passes.

Siya ay nakatakda sanang maging free agent sa 2025.

Ayon sa mga NBA analysts, maaaring ang naturang trade ay mas makakatulong/papabor sa Thunder kaysa sa Bulls lalo na at mistulang kulang pa sa kasanayan si Giddey sa mga gitgitang laro sa NBA.

Maalalang pumasok ang Thunder sa nakalipas na playoffs ngunit tuluyan din itong tinalo ng Dallas Mavericks.

Habang pinilit naman ng Bulls na makapasok sa Playoffs gamit ang Play-In Tournament ngunit pinahiya ito ng Miami Heat.