Inaasahan ngayon ng Pilipinas na mas magiging maigting pa ang defense cooperation ng bansa sa iba’t-iba ang mga bansa sa mula sa North America, Europe, at Asia-Pacific regions.
Ito ay sa harap ng nakatakdang pakikipagpulong ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kaniyang mga counterpart sa sidelines ng ika-21 International Institute fo Strategic Studies Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, ngayong araw ay magkakaroon ng ministerial-level meeting si Sec. Teodoro kina Minister of National Defense of Lithuania, Laurynas Kasčiūnas.
Bukod dito ay nakatakda rin na makipagpulong ang kalihim kina Minister of Defense of Canada Bill Blair; Defense Minister of New Zealand Judith Anne Collings; Minister of National Defense of South Korea Shin Won-Sik, at High Representative of European Union for Foreign Affairs and Security Poloce and Vice President of the Commission for a Stronger Europe Josep Borrell Fontelles.
Sa naturang mga pakikipagpulong ni Teodoro ay inaasahan na mag e-explore pa itong mga oportunidad para sa bilateral at Multilateral collaboration sa kaniyang mga counterpart.
Habang inaasahan din na matatalakay ng mga ito ang mga update hinggil sa defense policies sa kani-kanilang mga bansa, at maging ang mga pagsubok sa regional security, at kooperasyon sa West Philippine Sea.
Samantala, pagkatapos nito ay mag ko-Courtesy call naman ang kalihim kay Minister for Defense of Singapore na si Dr. Ng Eng Hen.