-- Advertisements --

Ipinamalas ng mga airmen ng Philippine Air Force at United States Air Force ang kani-kanilang galing sa isinagawang Defensive Counter Air trainng nito na bahagi ng nagpapatuloy na COPE THUNDER 23-1 sa Clark Air Base at Basa Air Base sa Pampanga.

Gamit ang 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force ay nilahukan din nito ang iba’t ibang Subject Matter Expert Exchanges na tinalakay din sa naturang pagsasanay.

Layunin ng Defensive Counter Air training nito na mas mapaigting pa ang interoperability sa pagitan ng dalawang bansa sa pangangalaga sa mga critical at protected assets ng Pilipinas.

Bukod dito ay pinag-aralan din ng mga Air Forces ang pagsasagawa ng AIM-9 Missile Launcher maintenance, Mission Planning Cell operations, Communication Security organization, at Dedicated Crew Chief program.

Ang mga bahagi ng Subject Matter Expert Exchanges na ito ay layong mas paigtingin pa ang kaalaman ng mga ito sa Mission Planners, Communications Operatrs, at gayundin pagdating sa Maintenance Officers, maging ang performance ng mga tauhan nito na mayroong iba’t-ibang papel sa pagganap sa kanilang misyon.

Magtatagal ang COPE THUNDER 23-01 hanggang sa Mayo 12, 223