-- Advertisements --
image 23

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa naganap na press conference ng special task force Degamo na nasa tail end na ang kaso ng assassination sa kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito nga ay matapos na mahuli si Marvin Halaman Miranda alias Makoy, isa sa tinutukoy na Mastermind sa pamamaril.

Si Miranda umano ay ang nagrecruit at nagpapadala ng pera sa mga taong sangkot sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Degamo.

Matatandaan na nahuli si Miranda noong March 31 sa Brgy Mayabay Barbasa Antique sa isang mountain resort, ang suspek ay nasa Antique na simula pa noong March 23.

Naniniwala ang otoridad na malapit nang maresolba ang kasong ito at maibibigay na ang hinahangad na hustisya ng pamilya Degamo.

Malaki ang tiwala ng otoridad na sa mga hawak nilang ebidensya tulad ng mga testimonies, ballistics at foreignsics ay tuloyan nang maisasara ang kasong ito.

Samantala, lubos lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Degamo sa malaking progresso ng kaso sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Degamo.