-- Advertisements --

Tiniyak ng isang partylist na mambabatas ang patuloy na pagbibigay na dekalidad na serbisyo pang kalusugan at edukasyon para sa ating mga kababayan lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Ito ang siniguro ni dating Appropriations panel chair at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Nangako ang Kongresista sa mahigit isang dekada na pagbibigay ng tulong sa mga Filipino, mas palalakasin pa nila ito lalo na sa mga komunidad na maituturang na malayo pa rin sa kabihasnan.

” The group says it will keep pushing for inclusive progress—driven by trust, rooted in integrity, and guided by compassion.”

Lubos naman nagpapasalamat si Co sa tiwala na ibinigay ng publiko sa kanila.

“Maraming salamat sa patuloy ninyong tiwala. Sinisikap naming suklian ito ng tapat na serbisyo,” pahayag ni Co.

Kabilang sa mga major projects na ipinagmalaki ng Kongresista ay ang world-class hospital na itinayo sa loob ng Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC).