Inaprubahan na ng National Price Coordinating Council ang pagdedeklara ng “Food Security Emergency for Rice” sa bansa.
Ayon kay NPCC Chairperson at Department of Trade and Industry (DTI) Ma. Cristina Roque, ito ya magandang balita para sa mga Pilipino .
Ginawa ni Roque ang pahayag kasabay ng paglilbot nito Pasig City Mega Market kung saan ay nakasama nito ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr.
Kumpyansa si Roque na mas lalong maproprotektahan ang mga consumer at nagpapalakas ito sa Agricultural backbone ng Pilipinas.
Paliwanag naman ni Department of Agriculture Sec. Tiu Laurel Jr. na malaki ang ambag nito para maging mura ang bigas sa mga merkado.
Makapagbebenta na rin ang NFA ng kanilang buffer stock ng bigas sa mga merkado sa Metro Manila na plano namang