-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na kusang-loob ang pagdedeklara ng persona non grata ng maraming local government units LGUs) sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at hindi dahil sa kautusan ng ahensya.

Sa pahayag ni Año sa press briefing sa lungsod ng Legazpi, namumulat na aniya ang publiko na ayaw na ng kaguluhan at takot kaya nakikipagtulungan na sa pamahalaan.

Nangako pa si Año na mananatili ang suportang ibinibigay ng ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo.

Handa namang tumulong ang DILG sa mga LGUs upang maging fully-capacitated sa pagsagot sa mga pangangailangan.

Nanindigan rin ang kalihim sa tapat at positibong ahensya gayundin sa pagsusulong ng “whole of a nation” approach sa pagpapaabot sa publiko ng tulong na kinakailangan ng mga ito.