Welcome sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang deklarasyon ng unilateral ceasefire ng CPP NPA sa Surigao City at Surigao del Norte.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na pagpapakita ito na meron pa rin pala sa hanay ng mga rebelde ang mabubuti ang kalooban.
Sinabi ni Arevalo na ang aksyon na ito ng CPP-NPA ay posibleng maging daan para ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ituloy ang peace negotiation.
Kaugnay nito, sinabi ni Arevalo na welcome din sa militar kung may intensyon sa hanay ng NPA na tumulong sa disaster and relief operations na na ginagawa ngayon sa mga biktima ng lindol.
Kailangan lamang aniyang ma validate ng militar ang tunay na intensyon ng mga rebelde.
Ayon kay Arevalo maaaring makipag koordinasyon ang mga rebelde para sa layuning ito sa kaukulang LGU, local police o maging sa mga military commander sa ground.
Umaasa ang AFP na hindi lamang sa panahong may kalamidad maghayag ng intensyon ang mga rebelde na makipag tulungan sa pamahalaan kundi maging sa panahong walang sakuna.
Pahayag ng opisyal na iisa lamang ang layunin nila ang makapagbigay ng karampatang serbisyo sa mga nangangailangan.