-- Advertisements --

Naniniwala si AFP chief of staff General Eduardo Ano na ang deklarasyon ng NPA na simultaneous nationwide offensive ay patunay na hindi sinsero ang komunistang grupo sa usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Nabunyag ng militar ang plano ng marekober ng mga sundalo ang isang dokumento na inatasan ang lahat ng NPA units sa buong bansa na maglunsad ng pag atake bago pa ang SONA ng Pang. Rodrigo Duterte.

Ito ay para ipakita na kontra ang CPP NPA NDF sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao at maging ang planong pagpapalawig pa nito ng limang buwan.

Ayon kay Ano na sa ganitong mga panahon na may problemang rebelyon na kinakaharap ang gobyerno sa Marawi ay hindi sila dapat maglabas ng mga direktiba ng pananalakay laban sa mga tropa ng pamahalaan, government installations at komunidad.

Samantala, kinumpirma naman ni AFP chief na may banta pa rin sa Mindanao.

Ito’y matapos inihayag ni Pang. Rodrigo Duterte na may planong salakayin ng mga teroristang grupo ang probinsiya ng Basilan, Cagayan de Oro at Zamboanga City.

Na siyang naging basehan ng pangulo para ipalawig pa ng limang buwan ang Martial Law sa Mindanao..

Paliwanag ni Ano na ang sinasabing looming threat ng Pangulo ay kung magsabay sabay ang mga bandido at rebeldeng grupo na maglunsad ng pag atake sa ibat ibang bahagi ng bansa.