-- Advertisements --
Balak muli ni retired six-division champion Oscar De La Hoya na humawak muli ng mga exhibition boxing events sa 2021.
Ito ay matapos ang naging tagumpay niya sa pagsasagawa ng exhibition fight sa pagitan nina Mike Tyson at Roy Jones Jr. noong nakaraang Nobyembre sa Los Angeles.
Sinabi ng tinaguriang “Golden Boy” na maraming mga boxing fans ang natuwa sa harapa ng dalawang retiradong boksingero.
Bukod aniya kasi sa Jones-Tyson ay pumatok din laban nina YouTuber Jake Paul laban sa dating NBA player na si Nate Robinson.
Dahil aniya sa magandang resulta ng mga laban ay maraming mga boxing fans ang humirit na kung maaari ay magsagawa muli ng laban.