-- Advertisements --
May napili ng makakaharap sa kaniyang pagbabalik si Mexican boxing legend Oscar Dela Hoya.
Ito ay sa katauhan ni dating UFC champion Vitor Belfort para sa isang exhibition boxing fight sa Setyembre 11.
Inaaayos pa ng dalawang kampo ang lugar kung saan ito gaganapin.
Magsusuot ang dalawa ng 12 oz gloves para sa nasabing exhibiton fight.
Huling lumaban ang 48-anyos na dating six-division champion noong Disyembre 2008 ng talunin siya ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Habang ang Australian fighter na si Belfort ay mayroong record na 26 panalo at 14 na talo ay huling lumaban sa UFC 224 noong Mayo 2018 laban kay Lyoto Machida kung saan natalo siya.