-- Advertisements --
Naniniwala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na mayroong pananagutan ang mga opisyal ng pulisya na sangkot sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam, sinabi ni dela Rosa, posibleng sa kasong kidnapping ang kaharapin ng mga ito dahil wala aniyang legal na basehan ang mga pulis sa pag-aresto sa dating pangulo.
Giit pa ng senador, kabaligtaran ang naging proseso ng pag-aresto kay Duterte kung saan dapat daw ang humiling na arestuhin ang dating pangulo ang magsundo sa kanya.
Sa kaso sa dating pangulo, mga otoridad ng bansa aniya ang umaresto at naghatid sa International Criminal Court.